Tattle tail

For me friends are books. Every person has a story. All are different. Some are funny, others are tragic. That’s why i am making time to chit chat with my friends and also to those i want to know personally and be friends with. Perhaps the reason i am writing is because im just tsismoso (tattle tail). Not a typical tsismoso- and so im writing it instead. I see every person as a character to a novel we call “life”. You may be a sub character to someone but i can assure you that you’re the writer and protagonist of your own novel. As for me, I want to capture that story like an eye looking through the lens of a camera in a different angle. As others have said, “Everyone you meet has something to teach you” so here’s a 5 short-stories (Dagli) i have written from my regular tsismisan (gossip) session.

 

1. RECTO

May natanggap akong sulat. Binuksan ko at binasa.

“Alas dose sa 711 malapit sa Quiapo simbahan”

8:00AM – Umalis ako.

11:30AM – Sa tapat ng 711, tumambay ako at nag-yosi. Hinihintay ang susunod na eksena.

12:05PM – May lumapit na bata at inabot ang panibagong sulat.

Ito ang nakalagay sa sulat: Sundan mo yung bata

Sinundan ko ang madungis na bata hanggang sa tapat ng simbahan. Itinuro niya ako sa matandang babae na nagtitinda ng rosaryo, sabay tumakbo paalis.

Tinignan ako ng matanda at inabot ang pangatlong sulat na may kasamang sobre.

12:30PM – Pumasok ako sa simbahan, lumuhod at nagdasal, pagkatapos ay umupo at nilibot ang mga mata sa lawak ng simbahan.

12:45PM – Tinabihan ako ng isang lalake at kinalabit. Inabot niya sa akin ang isang maliit na kahon at nagsalita.

“Akin na ang sobre”

Pagkatapos kong iabot ang gusto n’ya ay sabay kaming tumayo at umalis. Sabay naming iniwan ang payapang simbahan.

1:00PM – Nagtxt ako kay Glenda

“Dala ko na, pauwi na ako”

1:15PM – Sinilip ko ang kahon at binasa.

“Cytotec”

————————————————————————–

2. SIKRETO

Nagtatawanan at nagkwekwentuan…..

“Huwag kang maingay ha? Crush ko si _________ (Insert a good looking personality)

“Oo, ako pa hindi ako mag-iingay.”

“Ang dami ko nang nasabing sikreto sayo. Ikaw, ano bang sikreto mo?”

Napahinto ako at nag-isip, naghahanap ng sagot sa huling tanong na binitawan. Tapos, nakaramdam ako ng lungkot…. wala na ata akong sikreto. Isinulat ko na sa mga akda ko.

————————————————————————–

3. FERREY

Noong bata ako may kuya-kuyahan ako yung syota ni ate ang tagal nilang mag syota ng pinsan ko. Kapag may okasyon sa bahay nandoon siya: Reunion, Birthday, Kasal, Binyag at Fiesta palagi namin siyang kasama. Hindi ko makakalimutan yung kinausap niya ako nang masinsinan dahil sa problema ko. Malaking problema para sa isang kinse anyos na may gatas pa sa labi. Anong problema? Nabuntis ko yung girlfriend ko noong hayskul. Kala ko wala nang bukas, buti sabi ni kuya na huwag akong sumuko at tuloy ko lang ang pangarap at pag-aaral ko dahil nandiyan naman sila erpat at ermat na siguradong tutulong sa akin. Sa kanya ko rin nalaman na mainit magsuot ng itim na damit kapag summer kaya subukan ko raw magputi (malay ko ba punks ako dati e). Siya rin ang nagpapaalala sa akin na maging gentleman sa mga babae, magdasal at huwag kalimutan gumamit ng po at opo. (Salamat sa kanya dahil dala ko parin hanggang ngayon). Isang araw nabalitaan ko ikakasal na raw sila ng pinsan ko, lahat tuwang-tuwa pati ako. Sa tagal nilang mag syota simula hayskul hanggang college sinong hindi matutuwang sila ang magkatuluyan? Kaso gago ng pinsan ko e, isang linggo na lang nag backout pa. Hindi naman namin masisi kasi sabi niya nasakal daw siya at parang nagsawa na rin. Siguro, dahil sa tagal nilang mag syota. Halos mabaliw siya sa nangyari. Siyempre, naawa ako kay kuya ikaw ba naman iwan ng mahal mo at future wife to be hindi ka mababaliw? Isang araw nag message sa facebook hinahanap si ate.

“Hindi ko na kaya Jo ayaw na ako kausapin ni ate mo. Bawat tawag ko binababa niya at hindi niya sinasagot ang mga txt ko.”

“Kuya ayaw din niya kami kausapin. Hindi nga namin alam kung nasaan siya.”

“Hindi ko alam sa ate mo Jo bakit niya ginagawa sa akin ito. Hindi ako makatulog at makakain.”

“Pasensiya na kuya, buong pamilya ay nahihiya sa nangyari. Dasal lang kuya.”

Totoo niyan hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong niya. Hindi ko pa naman naramdaman ang nararamdaman niya. Binalik ko lang sa kanya ang payo niya noong naging batang ama ako. Dasal lang. Lumipas ang isang taon nakita ko na lang ang facebook niya na may bagong upload na album at status. Kinasal na pala si kuya. Nag comment ako sabi ko congrats. Nag reply siya “Salamat!”. Naging masaya ako sa kanya dahil naka move on na siya at naging ok na rin sila ni ate. Sabi ni ate ok na raw sila ni kuya at masaya na siya sa asawa niya. Nakilala niya yung babae sa trabaho at palagi silang magkasama noong mga panahon na malungkot siya. Nagkainlaban, ayun nagpakasal. Isang goodnews ang narinig ko, hindi na siya magiging malungkot dahil nahanap na rin niya ang tunay na pag-ibig. Makalipas ang ilang buwan tumawag si ate sa akin at niyaya akong bisitahin si kuya. Nasa hospital daw ilang linggo na raw dun. Di ko na naitanong kung bakit o anong sakit dahil busy ako sa trabaho. Umuo lang ako kay ate pero hindi ako nagpunta. Hanggang isang araw nakatanggap ako ng balita na namatay na si kuya. Tumor sa utak at hindi na nakayanan ng katawan. Nagulat ako at hindi nakapagsalita. Naawa si ate sa asawa dahil ilang buwan lang nito nakasama si kuya, hindi kagaya niya na halos kalahati ng buhay nito sila ang magkasama. Nasa hospital si ate noong namatay si kuya kaya kita niya ang mga huling sandali ng mag-asawa. Ngayon ang araw na naging magkaibigan kami sa facebook. Pinuntahan ko yung profile niya para tignan yung mga litrato ni kuya. Nakita ko yung facebook ng asawa niya kaya pinuntahan ko yung profile. Tinignan ko ang mga albums at may nakita akong picture ng bata. Nagkaanak pala sila bago ito mamatay. May caption.

“We love you so much ♥ Till we meet again Mahal ko with our angel, L.A. and our family♥”.

Hindi ko mapigilang hindi ikwento. Grabe talaga minsan ang buhay ng tao. Hindi mo maintindihan. May nagmamahal, may gustong maging malaya, may naghahanap, may natatagpuan, may namamatay at mayroon din namang isisilang. Ikaw, paano ka ba magmahal?

————————————————————————–

4. MAGALLANES

Niyaya niya ako makipagkita sa MRT sa may Magallanes Station, “Bakit?” tanong ko. Inabot niya sa akin ang isang sulat pagkatapos ay nagpaalam dahil maleleyt siya sa trabaho. Hindi ko sinunod ang gusto niya at binuksan agad ang sulat kahit may instruction sa labas na “Read it when you get home”. “Hindi na tayo muling magkikita. Salamat sa oras at pinasaya mo ako.” Tumulo ang luha ko. Nabura nito ang “I love you” na nakasulat sa dulo.

————————————————————————–

5. KUWENTO NI ANDREA

Sobrang saya ko no’ng nalaman kong magre-reunion ang Eraserheads. Para akong tangang nagsisisigaw. Kasi naman idol ko sila. Dati, pagkatapos ng klase diretso kami ng mga kaklase ko sa malapit na tindahan para bumili ng songhits at sabay-sabay naming kakantahin ang mga e-heads hits. Pinaka paborito namin ay yung “Pare ko”. Naalala ko isang beses pinatugtug ang “Ligaya” sa loob ng bus at hindi ko napigilang sumabay sa kanta. Sa bandang chorus ay may sumabay sa aking likuran “Sagutin mo lang ako, aking sinta’y walang humpay, na ligaya” lumingon ako at sinabayan ko siyang kumanta “At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga”. Napahinto ako sa pagkanta dahil sa gulat, nagulat ako sa aking nakita, si crush. E-heads fan din pala si Robert at simula ng mangyari ang tagpong yun palagi na kaming magkasama. Dec 8, Friday 1995- sa Up Sunken Garden: Isa sa mga unforgettable moments being a Eheads fan. Nilabas nila ang pangatlong studio album ang “Cutterpillow”. Grabe! Ang daming tao halos hindi kami makakilos sa sobrang siksikan. Kasama ko si Robert na tinatanaw ang mga idolo namin habang nilalasap ang kanilang musika. Hinawakan niya ang kamay ko habang tinutugtug ang “Ang Huling El bimbo”. Napapikit ako dahil sa kilig at hindi ko mapigilang ngumiti. Tumingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Lumapit ako sa tainga niya at bumulong ako ng “Oo”.

“Magkahawak ang ating kamay at walang kamalaymalay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay”

Sinagot ko si Robert. Siya ang first love ko at walang oras na hindi kami masaya. Bawat araw ay puno ng tawanan at hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan.

Isang araw biglang bumaliktad ang mundo ko, kailangan niyang mag-aral sa Amerika. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang nagpaalam siya. Priority namin ang education kaya anong magagawa ko? Iniwan niya sa akin ang paboritong niyang e-heads album ang “Circus”, sabi niya pakinggan ko raw pag-alis niya. Sinalpak ko ang tape sa walkman habang naglalakad siya papasok sa airport. Biglang tumulo ang luha ko, tumutugtog ang “Minsan”.

August 30, 2008: Ang lakas ng sigawan nang marinig namin ang pamilyar na musika ang “Alapaap”, lahat ng tao ay sumasabay sa kanta na para bang kahapon lang ginawa ang musika. May kumalabit sa likuran ko at nagulat ako sa nakita.

“Robert?”

————————————————————————–

These stories are part of my first solo book “D.D” (Kwento.Karanasan.Kalokohan.Kashitan)

So tell me, what’s your story?13239934_1284907968190246_1222033914970750931_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s