Hindi Ko Maintindihan Ang Tula

O sige na, confession, oo sige aminin kong ‘di ko maintindihan ang isang tula. Nakakahiya, oo dahil tingin ko ako na yata ang pinaka bobong manunulat sa mundo….pero sige, hindi naman lahat ng nagsusulat e matalino dahil hindi naman patalinuhan ang pagsusulat kundi paglalahad ng kuwento.
 
Nakakahiyang aminin, na hindi ko maintindihan ang bawat ritmo, metapora at kung ano mang ka-shitan ang gustong iparamdam ng mga manunula sa mga nagsusumigaw nilang akda- na tila silang kulto lang ang nakakaintindi.
 
Sabi ko nga dati, gusto kong maging manunula kasi mukha kang matalino- makata nga sabi ng iba. Pero putcha, hindi pala ganon kadali. Akala ko chop chop lang ang tula. Mag mukhang malalim ka lang, makata ka na. Pumunto ka lang sa mga isyung napapanahon e on trend ka na.
 
Hindi pala ganoon. Hindi pala madali.
 
Hindi pala pwedeng itanim ang ‘yong akda sa lupa at hintayin maging puno at magbunga. Sa makatuwid…hindi pala ganun kadali maging manunula.
 
Ano nga ba ang simula? Ang pakiramdam o ang mga salita? Ano nga ba ang mahalaga? Ang porma o ang nadarama? Kailan nga ba masasabing tula ang ‘yong akda? Kapag mukhang malalim at tipong pumu-puta?
 
Isa lang ang naintindihan ko sa aking pagbabasa. Ang tula ay emosyon at pakiramdam. Hindi mo kailangang intindihin ang mga salita sa ngayon, hindi mo kailangang malaman ang lalim at ibig sabihin sa ngayon.
 
Ang tula ay sikretong unti-unting naghuhubad para sayo. Hindi mo man maintindihan ngayon, pero alam ko, kapag naramdaman mo ang bawat ritmo, metapora at lalim ng salita nito. Masasabi mong “Ang tula pala ay buhay, ang buhay pala ay isang mahabang tula”. Oo sige na, gets ko na! (joke).
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s