Isang Araw Sa Buhay Ni Dominic Vargas

Si Dominic Vargas o Domeng sa mga kaibigan niya ay tatlong oras nang nakaupo sa pinaka busy-ng health center sa Pinas “Ang Health Center ng Barangay Susyopat”.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, pinagmamasdan ang mga naglalakad na ina- hila hila ang kanilang mga anak habang karga karga ang kanilang mga umuungang sanggol.

“BUWISET!!!!” sabi niya. Halos saulado na niya ang mga health announcement na nakapaskil sa pader.

1. Nalaman ni Domeng ang kahalagahan ng pagpapasuso.
2. Nalaman niya na ang salitang suso o dede ay tumutukoy sa pangharap na rehiyon ng pang-itaas na bahagi ng katawan.
3. Nalaman din niya na ang colostrum ang pinaka masustansiyang likido na pwedeng ilabas ng babae.
4. Natuto rin si Domeng na ang TB o tuberkulosis ay isang impeksyon na sanhi ng isang uri ng bakteria na nabubuhay sa bahagi ng katawan.
5. Hindi niya kailangang maging matalino para intindihin na madaling makahawa ang sakit na ‘to at hindi rin mahirap intindihin na kumikitil ng buhay ang sakit na ito.

Uhem (UBO) ehem- Napausod si Domeng nang marinig ang malalim na ubo galing sa kanyang katabi.

“BUWISET!!!!” sabi niya ulit.

Tatlong oras at trenta minutos, malapit na si Domeng sa pintuan ng consulatation area “Hayyyyyyysss!!!” Isang malalim na buntong hininga galing sa kanya ng biglang…….

“Excuse me Sir? Nakapag sagot na po ba kayo nito?” hawak hawak ng isang volunteer ang isang papel malapit sa mukha ni Domeng.

“Ano po yan?” sagot niya.

“Sasagutan lang ho” sagot ng babae.

“Ha…. e hindi po, nautusan lang po ‘kong pumila, kukuha lang po ng pills”

Sabay labas ng doktor sa pintuan “Ay kailangan po sagutin yan, ‘di po makakakuha ng pills ‘pag wala pong ganyan”

“Tang’na”sa isip niya, hirap na nga siya magbasa papasagutan pa.

“Tanungin n’yo na lang po ako” sabay balik ng papel sa volunteer.

“Pangalan?”
“Dominic Vargas po”
“Que po ba o Nic?”
“D-O-M-I-N-I-C po”
“Ilang taon?”
“29”
“Kelan po birthday?”
“Dyenwari E-tin po”
“Trabaho po?”
“Sa konstraksyon po”
“San po nakatira?”
“Diyan lang po Mam”
“Address po kuya?”
“Mam sa may krik (creek) lang po kami nakatira” bulong niya
“Skip na lang po natin”
“Ano po?”
“May sakit sa puso?”
“Wala po”
“Highblood, Diabetes?”
“Hindi po”
“Kanser”
“Ay wala po”
“Madalas po ba kumain ng matataba o mamantikang pagkain?”
“Mahal na po kasi ang baboy ngayon”
“Ilang beses po ba sa isang linggo?”
“T’wing pasko lang po o mahal na araw kung kelan mura”
“Madalas po ba mag gulay?”
“E hindi po, ayaw po ng mga bata, mas gusto nila ang noodles”
“Mahilig po ba sa maalat?”
“Madalas nga po’y matabang”
“Ilang beses po kumain sa isang araw?”
“Depende po, minsa’y dalawa kapag minalas isa”
“Mahilig po sa matamis?”
“Kapag may budget lang po, mahal ang asukal” “Nagsisigarilyo?”
“Minsan lang po ‘pag meron”
“Ilan po?”
“Mga isang kaha po, Winsboro mura”
“Alak po, t’wing kelan?”
“E ‘pag sabado lang po at linggo”
“Beer, Wine, Brandy, Whiskey or Gin?”
“Hindi ko po alam basta Tanduay”

“DOMINIC VARGAS?” tawag mula sa loob ng consultation room.

“Tapos na po ba?”
“Tapos na po kuya, salamat”

Isang araw sa buhay ni Dominic Vargas…

“TANG’NA!!!!” napamura siya.

Hindi na siya muling babalik para kumuha ng pills.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s