Kung Paano Kami Nagtalik Ng Musika

Lahat tayo ay my first love music story. Ito ang eksena sa utak natin kapag may nagtatanong kung “Anong favorite band mo?”, “Favorite song?” or “What type of music you listen too?”.

Parang first love, first sex o first kiss, mahirap kalimutan. Sabi nga ng bestfriend kong si Plato

“Music is a moral law. It gives soul to the universe, wings to the mind, flight to the imagination, and charm and gaiety to life and to everything”

At lahat siguro ng mahilig sa musika ay ganito ang pakiramdam, kapag naririnig ang kanilang paboritong kanta.

Alam kong mas maganda ang kuweto mo pero hayaan mo muna akong ilahad ang version ko, kung paano kami unang nagtalik ng musika.

Rewind tayo, 15 years ago:

3 years na kami ng girlfriend ko way back noong hayskul which is hindi ko naman nakatuluyan, pero hindi diyan iinog ang istorya- balik tayo.

Those days, Gary V at Ogie Alcasid ang pinakikinggan ng tainga ko habang ang mga klasmeyts ko ay purgang purga sa Queso, Slapschocks, Chicosci at Greyhoundz. Aaminin ko hindi ako makasunod kapag tinugtug na sa CD player ang album na “Pilipinas” at lalong hindi ko ma-digs kapag nagkagulo na sila sa gitna with matching sigaw “SINO SI STEVE!!”. Balyahan dito at balyahan doon. Kung uso ang facebook noon, siguro ang most post nila ay ang quote na “Walang sakitan, slaman lang”.

Pero ‘di ako nagpa apekto. Ito ang musikang gusto ko, kaya ito ang gusto kong pakinggan. Kung idol nila si Regrubio sama na si Tayao, ako naman ay si Jay-r, Janno, Gary at Ogie, sabi nga ng Radio Active Sago Project ” Walang basagan ng Trip”.

Hanggang sa isang party sa bahay ng gf ko (noon, na ngayon ay ex ko na) e pinakilala niya ako sa pinsan niyang tatuan. Hindi kita sa kanyang porma na kumpleto niya ang album ng Limp Bizkit. Naka red na baseball cup, malaking tshirt na hindi ko alam kung Salbakutah ba ang prefer niya o talagang rapmetal lang ang hilig niya. At Tulad ng kuya meet my bf thing ay alam na natin kung ano ang nangyari “Huwag mong lolokohin si ________, kapag nalaman ko “tsk” patay ka sa akin” “Opo, kuya”. (Fast forward natin ng konti).

Kinabukasan bumalik ulit ako para bumisita, katulad ng lagi kong ginagawa, tumulong ako magligpit ng kalat- ito ata ang paraan ko magpalakas kay tita, hanggang naintriga ako sa isang cassete tape na nakapatong sa lamesa. Ilang beses kong tinanong kung, saan ko ilalapag at sino ang may-ari? Hindi raw nila alam kaya napag pasyahan kong iuwi sa bahay para pakinggan.

Sobrang naintriga ako sa tape na dala-dala ko, ito na ata ang susi patungong impyerno. Title pa lang nito e mukhang hindi na normal ang papakinggan ko. Nag e-expect ako ng live recording, yung tipong live recording ng mga kulto na mag sa-sacrifice ng human life. SHIT! Feeling ko noong time na yun e sa wakas magiging astig na rin ako. Goodbye West life at A1.

Evil Empire ang title ng album, sinalpak ko kaagad sa walkman pagdating ko ng bahay.

” DANG-DUT-TA-DANG-DANG-DUT-TA-DANG”

Ang powerful na bahista ang tumambad sa akin, sabay pasok ng drums na pumapalo sa aking bunbunan na kumokonekta sa aking puso, sabay nito ang kaskasan na parang asong umuulol na naghahanap nang malalapa. Pumasok ang mga salita ng bokalista na gumuguhit at tumutusok sa aking kamalayan. Isang matagal na kaibigan ang aking nakilala, dinala ako nito sa ibang demension ng angst na feeling ko “Fuck you I can do what I want”.

Isang pintuan ang binuksan sa akin ng RATM (Rage Against The Machine), lalo kong na appreciate ang musika. Lalo kong nakilala ang musikang gusto kong pakinggan. Late bloomer man ako sa rakrakan, hindi man ako 100% rakista tulad ng iba. Alam ko naman kung gaano kahalaga ang musika. Simula kay Regine Velasquez, Sepultura, Queso, Beatles hanggang kay April Boy at Rage Against, ang kanilang musika ay arte, pintuan sa ibang demensyon, iba’t ibang emosyon, ibat ibang kuwento at iba’t ibang koleksyon.

Saludo sa lahat ng musikero, artist at manlilikha. Tunay kayong ASTIG!!!

fb_img_1485644031238

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s