Gary Granada

Ang rape kasi normal lang yan diba? Bata pa lang ako naririnig ko na yan habang kumakain kaming pamilya mag flash yan sa TV sa channel 7 o 2

“ISANG BABAE SA MAYNILA GINAHASA”

normal lang yan hanggang ngayon may rape wala ng epekto kumbaga hindi na nakakataas balahibo, pati yung nakawan, holdapan at saksakan normal lang yan marami yan sa tv- Soco, Imbestigador, Isumbong mo kay Tulfo, Calvento Files ano pa ba? Paglabas mo ng bahay may naghahabulan ng saksak, normal lang yun. Droga? Normal lang yan nasa action movies natin yan palagi nakakabit. Nasa kultura na natin yan, napapanood sa tv at keber lang tayo. Ginawa pa ngang pelikula e, Vizconde Massacre naalala mo? Mga pelikula ni Carlo J, sumisigaw si Kris Aquino nang tulong, wa epek normal papalakpak lang tayo.

“Magaling umarte itong si Kris”.

Kapag sa iyakan at pinaglalaban makikita mo ang mga pamilya ng biktima nakasuot ng puting damit “Justice for Anna” mga naka black shades umiiyak humihingi ng hustisya.

Sila lang ang sumisigaw, sila lang ang nagdudusa. Mga pangarap na nawasak. Mga pangarap na nawala. Sila lang….. Walang ibang kasama. Walang kasamang sumisigaw ng hustisya.

Ngayon, ang sabi ng mga biktima….

“Mabuti pa sila”

14051794_1352183311462711_6672962742635666185_n

Advertisements

Excerpt from “Si Baliw, si Patpat at Ako” short story from “D.D (Kuwento.Karanasan.Kalokohan.Kashitan)

“Love is not a chance, it’s a choice.”

 

Narinig ko lang, nabasa o sinabi ng utak ko habang tinitignan ko ang imbitasyong natanggap ko kaninang umaga. Kanina ko pa rin iniisip kasabay ng mga karanasang inaalala, ano nga ba ulit ang pangalan niya? Hindi ko pa rin maalala. Bata pa ako nang makilala ko siya, hindi ko masabi kung first love, first crush o yung sinasabi ng iilan na puppy love. Ah, basta para sa akin hindi pa kayang i-define ng batang utak ko kung anong antas ng pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya. Puwede ko sigurong sabihing inspirasyon. Inspirasyong humahanga at nagagalak na may halong saya, ito ang mga salitang kaya kong ipaliwanag pagkausap at kasama ko siya.

“Gusto kong maging ibon, isang hayop na malayang lumipad.”

Lahat ay nagulat sa sagot niya, habang nasa ilalim ng puno ng mangga. Ako, gusto kong maging pulis, si Tameng naman ay doktor. Pero siya gusto niya maging ibon. Ang ibon daw ay malayang nakapupunta sa kung saan man niya naisin. Walang iniisip na problema, kakain ‘pag nagugutom, matutulog ‘pag inaantok at aalis kapag nagsawa. Isang hindi normal na sagot ng isang batang katulad niya. Hindi ko maarok ang gusto niya, pero aaminin ko manghang-mangha ako habang nakikinig sa mga kuwento niya. Unti-unti ko na ring nagugustuhan ang pangarap niya. Dinala niya ako sa mundo niya. Gusto ko na ring maging ibon.

“Gusto kong maging ibon, isang hayop na malayang lumipad, pangarap ko kasi ang lumipad, pag napapanood ko sa TV naiinggit ako. Ang sarap ata sa pakiramdam pag dumadampi at hinahalikan ng hangin ang buo mong katawan.” Habang kinu-kuwento niya ang pangarap niya ay bigla siyang tumayo at tinaas ang mga kamay na tila ginagaya ang mga pakpak ng isang agila. Tuwang-tuwa siya habang paikot-ikot na tumatakbo sa paligid ng nakatayong puno ng mangga. Paikot-ikot na tumatakbo, nakatitig lang kaming tatlo sa tila sayaw na ginagawa niya. Huminto siya sa aming harapan at ngumiti sabay ayang bumalik na sa klase. Nakatulala lang kami sa kanya na wari’y nanonood ng pelikula. Sinira ni Tameng ang maliligayang sandali ng paghanga nang binanggit niya ang pangarap niyang maging Barbero. Hindi kami natuwa ni Eroll pero ang batang gustong maging ibon ay tawa nang tawa. Isang sandaling tatak ng pagiging bata.

Para sa kumpletong kuwento pre-order na ng librong “D.D” click ang link na ito (https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScjJp9DV74rh_XpLmO_42bWWQC9j6QgVgl020OYmmxkkQIG3w/viewform)

13754681_1332255700122139_8923191188049853754_n

Padaskol

13512063_1317180621629647_45789993080406223_n

Kapag ako’y mag-isa at walang ginagawa sinusubukan kong magsulat. Iyong mabilisan, kung ano ang pumasok sa utak. Basta may kuwento isusulat ko. Ito ang iilan sa mga naitago ko.

1. Dati

Kapag namimiss kita pinapatugtog ko yung mga lumang kantang paborito nating dalawa… tapos iniisip ko sumasayaw tayo nag pre-pretend na matanda na tayo, puti na ang buhok at kulubot na ang balat. Tulad dati…

 

2. Takatak

Isang umagang mahaba pa sa kalsada ng Edsa.
Maghahanap muli ng pagkain para sa anak kong si Minerva.
May kapansanan man nila akong ituring, ako’y isang magiting na ina rin.
Sa trabahong may dangal ang magnakaw ay hindi ko nanaisin.
Kayod kabayo sa trabahong piso lang ang kita.
Isusubo ko sa anak ko’y dito ko nahihita.
Pangarap kong umahon sa hirap ay tila hindi ko na makita.
Habang buhay na nga lang ba akong pilay na hindi malaya.
Anong sagot mo? Paano mo ako matutulungan?
Ni ang sarili mo nga’y kumpleto pero hamak na batugan.

 

3. Awawak

Kawawa.. Pinag pipiyestahan ng mga buwitre ang kanyang kawawang katawan.. Nilamon ng sistema, nalunod sa isang basong tubig akala ang buhay ay laging malalim. Hindi nakayanang makaahon hanggang kinain ng mga gutom na buwitreng naghihintay ng kanyang kamatayan. Sa bawat lunok ng laman ay kasabay ng mga palakpakan ng mga taong baboy na bumubuga ng mabahong bulok na atay.. Kawawa… Kawawa…

 

4. Kol

Ilang taon din ako nagtrabaho bilang isang callcenter agent. Halo ang pakiramdam ko sa masayang karanasang ito. Masaya, nakakapagod, at s’yempre hindi mawawala ang antok. Antok ang malupit na kalaban ng mga ahente sa industriyang ito. Dito ata nauso ang joke na “Anong gusto mo? Walang tulog o walang gising?”.

Marami rin akong nakilalang kaibigan at isa na nga rito ay si Diana. Si Diana na laging nagmumura.

Tangina this and Tangina that ayan ang palaging laman ng bibig niya. Kung pera lang ang pagmumura malamang mayaman na siya.

Isang gabi walang hinto ang bibig niya sa pagmumura.

– (Mute) “Tangina mo!” (Unmute) “Yes ma’am. I understand”

– (Mute) “Tangina ka talaga ang bobo mo!” (Unmute) “I really do apologize ma’am”

Hindi na nakatiis ang tenga kong nagdudugo sa paulit-ulit niyang pagmumura. Kinalabit ko siya at tinanong.

“Anong problema mo sa kausap mo? Kanina ka pa mura nang mura”.

“ Eh, kasi pinagpipilitan nitong bobong kano na’to na hindi daw sila umorder ng product. Kitang-kita sa record natin na inorder mismo ng asawa niya. Mga kupal at bobo ng mga ‘to hanggang ngayon ginagago parin tayo.

“Baka totoo naman talaga hindi inorder ng asawa”

“Hindi pre, ako mismo ang kausap ng asawa a week ago. Ako ang gumawa ng transaction. At sinungaling pa ang kupal patay na daw ang asawa niya”

“Hahaha. Kupal nga talaga.”

Ganyan ang mga kano kung makapanloko sa ating mga Pilipino-sagad. Maraming ganyang kwento kaya sanay na rin ako.

After 10 minutes nanghingi ng supervisor ang kausap ni Diana. (Ganyan naman ang panakot ng mga puti manghihigi ng supervisor. Anong akala nila maiihi tayo sa takot. Pak-u nila!)

Ngumiti ako kay Diana dahil alam kong kukupalin lang nila yung tarantado. Tumayo si Diana at lumapit sa station ng kanyang supervisor para ipaalam ang nangyari.

Ilang minuto ang lumipas ay nagulantang ang lahat sa boses ni Diana. Nagsisigaw si Diana patakbo palabas ng opisina.

“ Tanginaaaaaa!!!! Tanginaaaa!!!”

Ito na pala ang huling gabing makikita ko si Diana. Hindi na siya muling nagpakita pagkatapos iparinig sa kanya ang recording kung saan wala siyang kausap. Boses lamang niya ang malinaw na naririnig kasabay ng boses ng isang matandang lalakeng naghihingalo.

Isa paring palaisipan kung paano ito nangyari. Kung may kausap ngang talaga si Diana ay bakit hingalo lamang ng matandang lalaki ang nadinig?

 

4. Iba

Naalala ko sabi ng isa kong kaibigan.

Wag kang mag-isip/gumawa ng kwento na putcha na tingin mo kakaiba o wala pang nakakagawa. Kasi lahat ng naisip mo naisip na  ng iba. Bago mo pa naisip yan may sumulat na ng ganyan. Puro ka-shitan lang yang dapat-ganito ang plot kasi may plot ng ganito, dapat ganito ang ending kase yung ganitong ending gasgas na. Walang gasgas na kwento at istorya. Kung gusto mo maging kakaiba, magsulat ka dahil gusto mong magsulat at magkwento ka dahil gusto mong magkwento. Yung pagiging kakaiba lalabas na lang yan habang nagsusulat ka.

 

5. For Entertainment purposes

Nagpapatawa lang daw sila, pakwela para kunwari bida. Ginagamit ang sariling pangalan sa gawa ng iba. Wala naman yun hindi naman daw yun mahalaga-for entertainment purposes kumbaga. Pag ayos sa panlasa kokopyahin ang tirada at pag nagkahulihan parang siga sa kalsada. Anak ng tipaklong ang mga hindot na maraming taga sunod na utak gahibla. Mga kupal! Wala na ba kayong ideya? Tira kayo nang tira sa mga magna pareparehas lang naman kayo diba? Kung kaya niyong mang gaya ng iba at ang saway ay hindi uubra. Aba’y baka sa susunod buong libro na ang inyong kinokopya? Baka sa susunod tula na ng iba ang inyong ibibida. Baka sa susunod originality hindi na sa inyo mahalaga. Kunwari sila nagsulat para yung tunay na author itsapwera. Walangyang mga utak biyang panggap na manlilikha. Pangalan ng grupo niyo’y kasing sangsang ng malansang isda.

 

6. TXT

Mis n kta. I luv u.

Mis n dn kta. I luv u 2. 🙂

Ang lamig ngayn. I wnt 2 c u 🙂 Hehehe… 🙂

Tara! I also wnt 2 c u.

Cge, paalam lng me sa misis ko na mago2vertym ako. 🙂

Hehehe. Cge hatid ko lng din muna yung gf ko. 🙂

 

7. Mahal na araw

 Anak ikaw na ang papalit sa puwesto ko.”

“Medyo kinakabahan po ako tay”

“Galingan mo lang ang pag-arte maraming nanonood na foreigner”

Sinuot ni Ben ang puting costume at tinik na korona handa na siyang magpapako sa krus ngayong semana santa.

 

8. Pangarap

Pagod na ako sa daang akala ko’y tuwid.
Pagod na ako sa mga kupal na nagpapanggap na mababait.
Muli akong lalaban at tatayo na may galit.
Kakawala ako sa seldang nanlilimahid.
Pagod na ako sa sistemang paulit-ulit.
Babalikwas ako sa mga nakasanayang masakit na pumupunit.
Lalaya ako na parang ibong tiririt.
Lilipad sa langit at hindi na muli pang babalik.

 

9. Indayog

Babae, minsan hindi ka nila maintindihan.
Ang mga mata mo’y puno ng kalungkutan.
Sa bawat indayog ng iyong katawan ay katumbas ng luhang hindi mapigilan.
Minsan ang pagmamahal ay hindi mo na makamtan at sa iba ika’y pinanggigigilan.
Tunay na pagmamahal ang palagi mong dasal ngunit sampal, suntok at tadyak sayo’y dumadaan. Kailan mo ba makikita ang pagasa? Sana’y ngayon na habang maaga.

 

10. Tula sa hangin

Inalatag na niya ang tulang isinulat niya ng buong linggo.

Naisambit na niya sa hangin ang tulang pinaghirapan niya.

At nagpalakpakan ang lahat….

Napangiti siya, may anong saya ang naramdaman niya.

Sa likod nang saya ay may lungkot na kumakawala sa puso niya. Tinatanong sa kanyang sarili.

“Bakit tayo nandito? Sino ang tunay nating tagapakinig? Bakit ako nandito?”

Muli, nagpalakpakan sila.

 

11. BACON

Palagi ko itong kinukwento sa mga kaibigan ko kapag nasa inuman o kaya naman nagyoyosi at nakatambay, pero sa lahat ng hindi pa nakakarinig, kwento ko na rin.

Ang title, “BACON”.

Babalikan ko yung hayskul life ko. First year, second year at fourth year ang field trip namin palaging Enchanted Kingdom maliban noong third year dahil sa star city kami. Balikan ko ulit ang first year. Unang tapak ko sa Enchanted Kingdom, ay grabe nakakakaba dahil nakakalula ang mga rides mula sa Jungle Log Jump, Anchors Away at Space Shuttle. Sabi ko humanda ka Space Shuttle huli ka sa listahan ko. Pagkatapos naming magpaikot-ikot at mabasa sa Rio Grande ng mga klasmeyts ko ay sinunod na namin ang nakakatanggal kaluluwang Space Shuttle. Umupo kaming kabado at excited. Pahiyaw-hiyaw pa yung kasama ko at tinataas-taas pa ang kamay. Ang lahat nang hiyawan at tawanan ay natigil ng magsimula nang umakyat sa taas ang kinauupuan namin. Dinala kami nito sa pinakadulo kung saan tanaw namin ang lawak ng buong Laguna. Sa kisapmata ay binitawan kami nito sa ere. Ang sakit, kumakalog, walangya!!! Tumatalbog ang betlog ko! Bakit kasi bacon brief ang sinuot ko? Lalo pa itong lumawag dahil nabasa sa Rio Grande. Hindi ako nag-enjoy dahil buong ride ay hawak-hawak ko ang betlog ko. Humirit pa yung kasama ko “Ang sarap! Ulit pa tayo?”. Muntik ko na siyang masipa sa mukha. Kaya sa sumunod na taon nagdoble na ako ng brief at nagsuot din ako ng trunks para suporta at hindi mabasag ang pula!

Fast forward naman tayo doon sa panahong nagsisimula palang akong mag-trabaho. Niyaya ako ng kaibigan, dahil off naman ay uminom daw kami at mag bar. Pumayag ako dahil mahilig naman din talaga ako lumabas. Sabi ko sawa na ako sa maingay at gusto ko e yung may acoustic na banda para chill chill lang. Tumawa siya at nasabihan pa akong tangek. Ang bar palang gusto n’ya e yung sayawan na parang rave party ang datingan. Nakapag-reserved na raw siya at VIP pa! Visa ang pangalan ng bar nakalimutan ko na kung saan. Apat kaming pumunta kaso yung isa sa amin pinauwi bawal pala ang naka-short mabuti na lang ay nag pantalon ako at polo. Pinapirma kami sa logbook at nagpakita rin ng I.D, kinapkapan kami ng mga bouncer at saka pinapasok sa loob. Ang ingay sa loob, ang daming ilaw, umiikot, naglalaro at nakikipaghabulan sa aking mga mata. Mga lasing na ang tao, ala-una na kasi kami pumasok. Ang babata ng mga babae sa loob kami lang ata ang nasa 25 pataas ang edad. Yung mga lalaki, wala pang bigote pero humihimod na ng katawan ng mga makikinis na dalaga. Iniwan ako saglit ng kaibigan ko dahil nakakita siya ng kakilala. Tapos biglang tumugtog ang kantang may malalakas na beat. Halos lahat nagtayuan at nagsayawan sa gitna. Ako na malapit sa speaker ay kumakabog ang dibdib, dumadagundong ang kalamnan na sumasabay sa indayog ng musika na sumasabay din sa kalog ng aking betlog. Walangya bakit bacon na malutong at maluwag na brief na naman ang suot ko. Tinawag ako ng aking kaibigan, nahalata niya atang hindi ako natutuwa. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

“Tara! Shot?”

Love = Goodvibes

I was challenged by Cindy to post photo(s) of my beloved spouse for 7 days (on Facebook) to keep the celebration of love and the promotion of the traditional marriage going. I just want to share this on my personal blog to spread the good vibes!!! 🙂

Day 1: 06/06/2016

“Love is not a chance, it’s a choice”

Hindi ko alam kung saan ko nahugot yan pero may nagbulong sa akin na maganda raw i-status yan sa fb. Haha!

My wife and i love story is not for the conservatives because it’s not the typical but for some it’s norm. I remember, i asked her to come with me at the barbershop inside SM Southmall pagkatapos noon ‘di na siya umuwi ng bahay nila. Hindi rin niya alam bakit siya sumama pero unahan ko na kayo hindi ko siya ginayuma. Inshort, nagtanan kaming dalawa. All of those bad decisions and kashitan na nagagawa natin bilang tao is way for us to be a good person. Almost a year din kami nagsama bago kami nagdesisyon magpakasal. Doon din naman ang punta bakit patatagalin pa.

Kaya ang payo ko sa mga nagpla-plano magpakasal ay ‘wag na kayo magpakasal dahil gastos lang yan at ang mga gf n’yo na yan, nagiging halimaw yan kapag asawa n’yo na. Parang armalite ang bunganga. Kukunin pa nila ATM n’yo!!! Ang masarap lang e makakasama mo siya habang buhay.

13315524_1298977963449913_2503447039351582889_n

(This is the photo of my ex-gf. I broke up with her on my birthday which is also our wedding)

Day 2: 06/07/2016

Medyo mahirap yung tag 2 people each day dahil konti lang sa mga kaibigan ko ang kinasal kung kinasal man naghiwalay agad; matagal na yung 3 weeks (hahaha).

For me, i hope that i may do my best for our marriage to last till i die. It’s my dream to have my own family. I’ve been into lot’s of relationships before i met my wife. There are serious ones and some are just one night stand. And i hate it. Ayoko yung pakiramdam na uuwi ako ng bahay na lasing, walang kasama, mag-isa matutulog at mag-isa rin gigising. It’s like a cycle, no life and no future. Nakakamatay na kalungkutan. So my wife saved me, she’s my hero.

I always tell my wife “thank you for accepting me” because in reality i’m nothing and then i thank God because He gave me someone who accepts me for all that i am.

IMG_20160320_231441

Just like what John Lennon said “There’s always a woman behind every idiot”

Day 3: 06/08/2016

Kailangan sa mag-asawa ay suporta sa isa’t-isa. Susuportahan ka niya sa gusto mo at susuportahan mo naman siya sa gusto niya. Mahalaga iyon para mag-grow kayong dalawa. Isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa aking asawa ay ang pagiging competitive niya; sa career, sa life at kahit sa bato pick kailangan nag-e-excel siya. Challenge rin sa akin ‘yon na dapat sabayan ko siya kahit sa maayos at simpleng diskusyunan na nauuwi sa asaran kapag wala na akong maibato sa kanya, aasarin ko na lang siya. Buwahahahaha!!! Ito yung isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya. Malakas ang character niya kumbaga isa sa mga modernong Maria Clara. Sabi niya ang ideal man daw niya e yung matalino, malinis, maayos manamit, pormal at attractive sa kanya ang mga lalakeng magaling mag-english kahit hindi guwapo basta matalino. Sabi ko “Ahhhhh… mahilig ka sa coño ‘yong mukhang pepe. Mahilig ka sa mukhang pepe”. Dito pa lang alam na niyang kabaliktaran ako sa ideal guy shit niya. Ganoon siguro, opposite attracts. Balik tayo doon sa dapat both party supports each other.

Isang gabi umiyak sa akin si Arlene gusto na raw niyang mag-resign sa trabaho. Hindi na daw siya masaya sa pagiging callcenter. She thinks she’s not part of the BPO world. Gusto niya pagpatuloy ‘yong pangarap niya ang maging nurse. Nahihiya raw siya sa akin dahil alam naman nating magkano lang suweldo ng nars sa Pilipinas minsan sila pa ang nagbabayad magka-experience lang. Naawa ako kasi career niya iyon bilang tao, pangarap niya. Hindi porke’t nag-asawa na siya e wala na siyang buhay, walang nang karera. Sino ako para pumigil? Kahit sana ang gusto ko e mag fulltime housewife siya (ang sama ko ba?). Pinayagan ko kaya tuwang-tuwa siya. Pero hindi ‘ganon kadali. Apat na beses siyang bumagsak sa interview, ilang beses siyang pabalik-balik sa hospital, ilang ulit na training at pasa ng resume hanggang isang araw after 8 years pagkatapos niyang gumradweyt nakapasok rin siya sa hospital. Kahit allowance lang masaya na siya. Kasi gusto niya at career ang binubuo niya. Ang sarap din sa pakiramdam dahil kasama akong tumupad sa pangarap niya.

13327483_1300563126624730_4095539970207554852_n

Proud ako na ang asawa ko ay isang Nurse!!!!

Day 4: 06/09/2016

We went to Malapascua Cebu to attend a nuptial rite before our wedding. I fell in love with the place i thought i was at Boracay because of the whitesand and blue hue water. This is another paradise to me, so we decided to do our prenuptial photo at this beautiful island at the heart of Cebu.

Ewan ko pero trip talaga naming mag-asawa ang gumala. Sabi ko sa kanya dati noong bago pa kami na pangarap ko libutin ang mga magagandang Isla, beach, lugar dito sa Filipinas at kapag nalibot ko na isusunod ko ang labas ng bansa; France, Italy, Rome, Canada at Paris. Ang sarap!!!! Isang beses lang ang buhay natin sa mundong ito kaya gusto kong maging sulit. Laking tuwa ko na ‘yon din pala ang trip ni Arlene, kinuwentuhan niya ako tungkol sa backpackers na gusto rin niyang ma-experience. Sa sunod ko na i-kuwento sa Day 5.

Kailangan hindi nawawala sa mag-asawa ang adventure ‘yon kasi ang nagpapasarap e. Dapat may konting mystery parin para kahit kasal na kayo ang relasyon niyo ay parang mag syota parin. Hindi nagkakasawaan.

Photography by Ian Grayhood Banagan

Day 5: 06/10/2016

We love travelling together ‘yon ang trip naming dalawa simula pa lang noong una. Tambay lang sa 711 ang trip namin noong ligawan stage pa lang kami habang humihigop ng noodles nila na parang shabu-shabu style, sayang wala na ngayon. Balik tayo- but when she told me about backpacking na curious na agad ako sabi ko i want to try that.

Unang pinuntahan namin ay Zambales medyo bakasyunista pa ang feeling nun siguro dahil hindi naman ganoon ka remote yung pinuntahan namin tapos sumunod puerto hanggang nasundan pa nang nasundan. Yung mga sumunod na gala namin ramdam kong backpacking na ang peg namin dahil ang budget namin sa lakaran ay pang purita mirasol na lang. Nandiyan yung naglalakad na lang kami, sumasabit sa mga dyip at sunod-sunod na yung mga lugar na pinupuntahan namin. Walang katapusang lakaran at walang katapusang galaan. Last gala namin ay sa Mindoro, umuwi agad kami nang nalaman naming buntis siya.

Nakakatuwa lang kasi parehas kami ng trip ni Arlene. Dapat hanapin ng mag-asawa ang trip nilang pareho hindi yung palagi lang silang nakahiga sa kama.

13427977_1302381226442920_3703997056358653159_n

 (Photo were taken from out last gala, Bongol Island Mindoro)

Day 6: 06/11/2016

This photo is very important. It’s our first photo together taken at the stairs in Molito Alabang.

13346478_1303007519713624_6961586596145205503_n.jpg

Hindi pa kami “on” todo kapit na siya, ngayon lang daw kasi siya nakatagpo ng loko-lokong kagaya ko.

Day 7: 06/12/2016

This is my last day sa challenge na binigay sa akin ni Cindy. Nakakatuwa kasi nakakagood vibes, namiss ko yung mga ganun e. Yung sisilip ka sa FB puro about love, family and friends ang mababasa mo hindi puro rant, awayan, at murahan tsk nakakawalang lakas. Kakagising mo palang badtrip ka na sa buhay. Kaya salamat Cindy sa hamon. Pero siyempre ang pagmamahal ay hindi nagtatapos sa social media. Ang pagmamahal ay habambuhay nayan lalo na yung pagmamahal mo sa iyong asawa. Ang relasyon naman namin ni Arlene ay hindi perfect dahil nag-aaway din kami. One time nga hinampas niya ako ng salamin ayon basag ang salamin. Hahahaha!!! But i’m making sure na bago kami matulog ay ok na kami hindi ko pinapabukas ang tampuhan at awayan. At ang malupet na sikreto sa mahabang relasyon na minana ko pa sa aking magulang ay gawing sentro ang Diyos sa lahat ng bagay ninyong mag-asawa. Ayos, tapos na rin ako. On my 7th day, hindi na ako magta-tag hahayaan ko na lang kayong gumaya sa katripan ko. Sa lahat ng na tag ko before- spread the love and the good vibes.

13418803_1303568209657555_3391735831716057910_n

 I’m Aljo, 27 – Married

December 22, our journey continued but this time we added a new member to our family. Isla Lumen.

The Abstract Of Jupiter

13103265_817076138426113_141705593706006482_n

3 months ago someone tagged me in a post from a Facebook group “Literature VS Cancer” whose main advocacy is to help Aedan Pio, a talented 4 year old abstract painter. Aedan is fighting a rare type of cancer – Chordoma, an uncommon type of bone cancer and he has it around his brain stem.

The goal is to gather short stories and poem from 800 writers. Who am I to refuse this calling to participate and help a lovely angel, Aedan, and so i sent some of my writings.

On May 19, 2016, the book project “Abstract Jupiter: An Anthology For The Cause Of Aedan Pio” was launched wherein two of my short stories are part of this book, “Piano” from “D.D (Kwento.Karanasan.Kalokohan.Kashitan) and “Super Astig”.

I’m proud to be part of this project. Especially when i heard the news that the first print outs of the book are sold out and they are now currently releasing the second batch. And so i invite you guys to support and help Aedan in his happy journey fighting cancer.

13226760_10201737464834246_4765273236319724604_n

I want to help people who needs help through writing and reading my stories.

So to you who reads this blog, I challenge you to participate in something big. I want you to make a difference. I want you to start something new. I want you to write with no hesitation. To write freely. You are limitless and you are a beautiful piece.

“Good day!”

13241151_822808661186194_6263182460946761515_n

Tattle tail

For me friends are books. Every person has a story. All are different. Some are funny, others are tragic. That’s why i am making time to chit chat with my friends and also to those i want to know personally and be friends with. Perhaps the reason i am writing is because im just tsismoso (tattle tail). Not a typical tsismoso- and so im writing it instead. I see every person as a character to a novel we call “life”. You may be a sub character to someone but i can assure you that you’re the writer and protagonist of your own novel. As for me, I want to capture that story like an eye looking through the lens of a camera in a different angle. As others have said, “Everyone you meet has something to teach you” so here’s a 5 short-stories (Dagli) i have written from my regular tsismisan (gossip) session.

 

1. RECTO

May natanggap akong sulat. Binuksan ko at binasa.

“Alas dose sa 711 malapit sa Quiapo simbahan”

8:00AM – Umalis ako.

11:30AM – Sa tapat ng 711, tumambay ako at nag-yosi. Hinihintay ang susunod na eksena.

12:05PM – May lumapit na bata at inabot ang panibagong sulat.

Ito ang nakalagay sa sulat: Sundan mo yung bata

Sinundan ko ang madungis na bata hanggang sa tapat ng simbahan. Itinuro niya ako sa matandang babae na nagtitinda ng rosaryo, sabay tumakbo paalis.

Tinignan ako ng matanda at inabot ang pangatlong sulat na may kasamang sobre.

12:30PM – Pumasok ako sa simbahan, lumuhod at nagdasal, pagkatapos ay umupo at nilibot ang mga mata sa lawak ng simbahan.

12:45PM – Tinabihan ako ng isang lalake at kinalabit. Inabot niya sa akin ang isang maliit na kahon at nagsalita.

“Akin na ang sobre”

Pagkatapos kong iabot ang gusto n’ya ay sabay kaming tumayo at umalis. Sabay naming iniwan ang payapang simbahan.

1:00PM – Nagtxt ako kay Glenda

“Dala ko na, pauwi na ako”

1:15PM – Sinilip ko ang kahon at binasa.

“Cytotec”

————————————————————————–

2. SIKRETO

Nagtatawanan at nagkwekwentuan…..

“Huwag kang maingay ha? Crush ko si _________ (Insert a good looking personality)

“Oo, ako pa hindi ako mag-iingay.”

“Ang dami ko nang nasabing sikreto sayo. Ikaw, ano bang sikreto mo?”

Napahinto ako at nag-isip, naghahanap ng sagot sa huling tanong na binitawan. Tapos, nakaramdam ako ng lungkot…. wala na ata akong sikreto. Isinulat ko na sa mga akda ko.

————————————————————————–

3. FERREY

Noong bata ako may kuya-kuyahan ako yung syota ni ate ang tagal nilang mag syota ng pinsan ko. Kapag may okasyon sa bahay nandoon siya: Reunion, Birthday, Kasal, Binyag at Fiesta palagi namin siyang kasama. Hindi ko makakalimutan yung kinausap niya ako nang masinsinan dahil sa problema ko. Malaking problema para sa isang kinse anyos na may gatas pa sa labi. Anong problema? Nabuntis ko yung girlfriend ko noong hayskul. Kala ko wala nang bukas, buti sabi ni kuya na huwag akong sumuko at tuloy ko lang ang pangarap at pag-aaral ko dahil nandiyan naman sila erpat at ermat na siguradong tutulong sa akin. Sa kanya ko rin nalaman na mainit magsuot ng itim na damit kapag summer kaya subukan ko raw magputi (malay ko ba punks ako dati e). Siya rin ang nagpapaalala sa akin na maging gentleman sa mga babae, magdasal at huwag kalimutan gumamit ng po at opo. (Salamat sa kanya dahil dala ko parin hanggang ngayon). Isang araw nabalitaan ko ikakasal na raw sila ng pinsan ko, lahat tuwang-tuwa pati ako. Sa tagal nilang mag syota simula hayskul hanggang college sinong hindi matutuwang sila ang magkatuluyan? Kaso gago ng pinsan ko e, isang linggo na lang nag backout pa. Hindi naman namin masisi kasi sabi niya nasakal daw siya at parang nagsawa na rin. Siguro, dahil sa tagal nilang mag syota. Halos mabaliw siya sa nangyari. Siyempre, naawa ako kay kuya ikaw ba naman iwan ng mahal mo at future wife to be hindi ka mababaliw? Isang araw nag message sa facebook hinahanap si ate.

“Hindi ko na kaya Jo ayaw na ako kausapin ni ate mo. Bawat tawag ko binababa niya at hindi niya sinasagot ang mga txt ko.”

“Kuya ayaw din niya kami kausapin. Hindi nga namin alam kung nasaan siya.”

“Hindi ko alam sa ate mo Jo bakit niya ginagawa sa akin ito. Hindi ako makatulog at makakain.”

“Pasensiya na kuya, buong pamilya ay nahihiya sa nangyari. Dasal lang kuya.”

Totoo niyan hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong niya. Hindi ko pa naman naramdaman ang nararamdaman niya. Binalik ko lang sa kanya ang payo niya noong naging batang ama ako. Dasal lang. Lumipas ang isang taon nakita ko na lang ang facebook niya na may bagong upload na album at status. Kinasal na pala si kuya. Nag comment ako sabi ko congrats. Nag reply siya “Salamat!”. Naging masaya ako sa kanya dahil naka move on na siya at naging ok na rin sila ni ate. Sabi ni ate ok na raw sila ni kuya at masaya na siya sa asawa niya. Nakilala niya yung babae sa trabaho at palagi silang magkasama noong mga panahon na malungkot siya. Nagkainlaban, ayun nagpakasal. Isang goodnews ang narinig ko, hindi na siya magiging malungkot dahil nahanap na rin niya ang tunay na pag-ibig. Makalipas ang ilang buwan tumawag si ate sa akin at niyaya akong bisitahin si kuya. Nasa hospital daw ilang linggo na raw dun. Di ko na naitanong kung bakit o anong sakit dahil busy ako sa trabaho. Umuo lang ako kay ate pero hindi ako nagpunta. Hanggang isang araw nakatanggap ako ng balita na namatay na si kuya. Tumor sa utak at hindi na nakayanan ng katawan. Nagulat ako at hindi nakapagsalita. Naawa si ate sa asawa dahil ilang buwan lang nito nakasama si kuya, hindi kagaya niya na halos kalahati ng buhay nito sila ang magkasama. Nasa hospital si ate noong namatay si kuya kaya kita niya ang mga huling sandali ng mag-asawa. Ngayon ang araw na naging magkaibigan kami sa facebook. Pinuntahan ko yung profile niya para tignan yung mga litrato ni kuya. Nakita ko yung facebook ng asawa niya kaya pinuntahan ko yung profile. Tinignan ko ang mga albums at may nakita akong picture ng bata. Nagkaanak pala sila bago ito mamatay. May caption.

“We love you so much ♥ Till we meet again Mahal ko with our angel, L.A. and our family♥”.

Hindi ko mapigilang hindi ikwento. Grabe talaga minsan ang buhay ng tao. Hindi mo maintindihan. May nagmamahal, may gustong maging malaya, may naghahanap, may natatagpuan, may namamatay at mayroon din namang isisilang. Ikaw, paano ka ba magmahal?

————————————————————————–

4. MAGALLANES

Niyaya niya ako makipagkita sa MRT sa may Magallanes Station, “Bakit?” tanong ko. Inabot niya sa akin ang isang sulat pagkatapos ay nagpaalam dahil maleleyt siya sa trabaho. Hindi ko sinunod ang gusto niya at binuksan agad ang sulat kahit may instruction sa labas na “Read it when you get home”. “Hindi na tayo muling magkikita. Salamat sa oras at pinasaya mo ako.” Tumulo ang luha ko. Nabura nito ang “I love you” na nakasulat sa dulo.

————————————————————————–

5. KUWENTO NI ANDREA

Sobrang saya ko no’ng nalaman kong magre-reunion ang Eraserheads. Para akong tangang nagsisisigaw. Kasi naman idol ko sila. Dati, pagkatapos ng klase diretso kami ng mga kaklase ko sa malapit na tindahan para bumili ng songhits at sabay-sabay naming kakantahin ang mga e-heads hits. Pinaka paborito namin ay yung “Pare ko”. Naalala ko isang beses pinatugtug ang “Ligaya” sa loob ng bus at hindi ko napigilang sumabay sa kanta. Sa bandang chorus ay may sumabay sa aking likuran “Sagutin mo lang ako, aking sinta’y walang humpay, na ligaya” lumingon ako at sinabayan ko siyang kumanta “At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga”. Napahinto ako sa pagkanta dahil sa gulat, nagulat ako sa aking nakita, si crush. E-heads fan din pala si Robert at simula ng mangyari ang tagpong yun palagi na kaming magkasama. Dec 8, Friday 1995- sa Up Sunken Garden: Isa sa mga unforgettable moments being a Eheads fan. Nilabas nila ang pangatlong studio album ang “Cutterpillow”. Grabe! Ang daming tao halos hindi kami makakilos sa sobrang siksikan. Kasama ko si Robert na tinatanaw ang mga idolo namin habang nilalasap ang kanilang musika. Hinawakan niya ang kamay ko habang tinutugtug ang “Ang Huling El bimbo”. Napapikit ako dahil sa kilig at hindi ko mapigilang ngumiti. Tumingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Lumapit ako sa tainga niya at bumulong ako ng “Oo”.

“Magkahawak ang ating kamay at walang kamalaymalay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay”

Sinagot ko si Robert. Siya ang first love ko at walang oras na hindi kami masaya. Bawat araw ay puno ng tawanan at hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan.

Isang araw biglang bumaliktad ang mundo ko, kailangan niyang mag-aral sa Amerika. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang nagpaalam siya. Priority namin ang education kaya anong magagawa ko? Iniwan niya sa akin ang paboritong niyang e-heads album ang “Circus”, sabi niya pakinggan ko raw pag-alis niya. Sinalpak ko ang tape sa walkman habang naglalakad siya papasok sa airport. Biglang tumulo ang luha ko, tumutugtog ang “Minsan”.

August 30, 2008: Ang lakas ng sigawan nang marinig namin ang pamilyar na musika ang “Alapaap”, lahat ng tao ay sumasabay sa kanta na para bang kahapon lang ginawa ang musika. May kumalabit sa likuran ko at nagulat ako sa nakita.

“Robert?”

————————————————————————–

These stories are part of my first solo book “D.D” (Kwento.Karanasan.Kalokohan.Kashitan)

So tell me, what’s your story?13239934_1284907968190246_1222033914970750931_n

Lapis sa kalye

FB_IMG_1461181777701Lapis Sa Kalye founded Dec 31, 2010 is a brainchild project of Arwin Dela Cruz and Al Joseph Lumen. Started on a new year’s eve as they were reminiscing the past when their Filipino teacher Ma’am Monticalvo asked them to write short stories and recite them in front of the class.

IMG_20160421_124842

January first of 2011 the facebook page Lapis sa kalye was created by the two of them with 10 likes which obviously belonged to their closest friends. They began posting quirky articles and short stories under the pseudonyms “Dudong Daga” and “Kunis Salonga.” With the help of their friends, the power of social media and wait ahem…. their bestfriend Mark Zuckerberg, they captured the hearts of the jejemon cult to like and share LSK’s not so funny and not so intelligent posts. As they went on, they met some other writers online: Cindy Dela Cruz, Anti’Nyakis, Mariyey del Rio, Hinaharap, Wind Up Bird, Seksing Patatas, Matalabong Kwago and Anino.

FB_IMG_1461208645701

After 5 years of macho dancing online and posting pictures of dead nails they decided to work on a project which happened to be their first book, “Pendulum“. It is a novel written by all of LSK writers about Pilaes S. Yalak the main antagonist/protagonist. A famous writer who underwent psychiatric medication. After a year they produced another book which is a collection of short stories entitled “Titser, May I Go Out?” shortly after they released another anthology called “Disminoriya: Modernong Maria Clara” which for them is special for its the first time they did collaborated with the other writers outside the group who were submitting stories to their page.

Some other releases were as follows; “31st” by Cindy Dela Cruz, “Siya” by Gab Barrantes and “D.D (Kwento, Karanasan, kalokohan, kashitan)” by Dudong Daga. 

Lapis Sa Kalye writers are continuing to grow with a  mission to give quality Filipino Literature as it opens its door to aspiring new writers. New members consists of Frozen Hart, Rayatroniko, Luz V. Minda, Tanikala, Positivo Uno, Gab Barrantes, Tagabatis, Buddy Relorcasa and Karla Peña.

Lapis sa Kalye is promoting Filipino Literature and encouraging young writers to pursue their passion and write as much as they want to. As Dudong Daga have said “Basa lang nang basa at sulat lang nang sulat” which is also the slogan of the group.

Lapis Sa Kalye’s books are available online, Bookay-ukay, Bookfellas and Pandayan Bookshop Nationwide. Support Filipino writers, support Filipino Literature!